Labis na pagtaas ng presyo ng isda, maiiwasan umano ng importasyon – BFAR

by Radyo La Verdad | August 18, 2023 (Friday) | 7272

METRO MANILA – Nasa 35,000 metriko tonelada ng mga isdang dagat ang kailangang angkatin ng Pilipinas para hindi kulangain ang supply sa mga susunod na buwan.

Ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR),  pagpapatupad ng closed fishing season sa ilang pangisdaan sa bansa.

At sa pamamagitan ng importasyon, maiiwasan din umao na tumaas ng sobra ang presyo ng mga isda sa palengke.

Ayon sa tugon kabuhayan, isang food security advocacy group, nasa 70% ng lokal na produksyon ng isda ang mababawas kapag ipinatupad ang closed fishing season.

Pero kung aangkat ay malaki ang ibababa ng presyo ng galunggong. Mula October 1 hanggang December 31 ay magbibigay ng import clearance ang BFAR.

Kailangan makarating ang lahat ng aangkatin bago sumapit ang January 15 sa susunod na taon.

Sa pagtaya ng BFAR, aabot sa 58 metriko tonelada ng isda ang magiging kakulangan sa huling bahagi ng taon.

(Rey Pelayo | UNTV News)

Tags: