Labis na paginom ng kape at softdrinks ngayong mainit na panahon, maaring magdulot ng heat stroke-DOH

by Radyo La Verdad | April 21, 2016 (Thursday) | 2309

JOAN_JUICE
Ngayong mainit ang panahon, usong-uso ang malalamig na inumin upang maibsan ang nararamdaman nating pagkauhaw.

Sa mga ganitong panahon, kadalasang patok ang softdrinks, milk tea, fruit juices at iba pang inumin na mayroong flavor.

Bunsod nito, may babala ang Department of Health sa publiko hinggil sa panganib na maaring idulot ng labis na paginom ng mga ganitong klase ng inumin.

Paliwanag ng DOH, mas makakabuti pa rin ang paginom ng mas maraming tubig, upang makaiwas sa dehydration at makatutulong rin ito upang mapababa ang temperatura ng ating mga katawan.

Ang heat stroke ay isang medical condition sanhi ng napakataas na temperatura ng katawan na kung hindi maagapan ay maaring ikamatay.

Nangyayari ang heat stroke kapag hindi nakakayanan ng katawan na pababain ang temperatura.

Ilan sa mga sintomas nito ang pagkahilo, pananakit ng ulo, pagsusuka, labis na pagkapagod, pananakit ng kalamanan at hirap sa paghinga.

Sakaling mabiktima ng heat stroke, payo ng DOH.

Sa pagtaya ng PAGASA, posibleng abutin pa ng hanggang sa 42 degrees celcius ang maximum temperature na ating mararanasan.

Kaya naman paalala ng DOH, iwasan na lumbas ng bahay kung hindi naman kinakailangan at magsuot ng mga kumportableng damit na makatutulong upang makaiwas sa banta ng heat stroke.

(Joan Nano / UNTV Correspondent)

Tags: , , , ,