Labi ng PH Ambassador na kabilang sa helicopter crash sa Pakistan, naiuwi na sa bansa

by Radyo La Verdad | May 12, 2015 (Tuesday) | 1265
" isang condolence ceremony sa Islamabad bilang pakikiramay sa mga nasawing diplomat at crew ng helicopter"
” isang condolence ceremony sa Islamabad bilang pakikiramay sa mga nasawing diplomat at crew ng helicopter”

Nasa bansa na ang labi ni Philippine Ambassador Domingo Lucenario Jr. na kabilang sa mga nasawi sa bumagsak na helicopter sa Pakistan.

Ang labi ay dumating sa Villamor airbase kaninang madaling araw sakay ng Special Pakistan C-130.

Ang labi ay dadalhin sa Heritage park sa Taguig bukas habang magkakaroon naman ng memorial service sa DFA sa Biyernes, may 15.

Bago iniuwi sa Pilipinas ang labi ni Lucenario, isang condolence ceremony ang isinagawa sa Islamabad bilang pakikiramay sa mga nasawing diplomat at crew ng helicopter.

Hiniling rin ni Prime Minister Nawaz Sharif sa Presidente ng Pakistan na igawad ang Civil Gallantry Award sa mga biktima dahil sa kanilang pagkasawi sa oras ng pagganap ng tungkulin.

Sa ngayon ay patuloy nang iniimbestigahan ang nangyaring pagbagsak ng helicopter na sinakyan ni Lucenario at anim na iba pa habang nasa biyahe sa Naltar Valley sa Pakistan noong biyernes