Darating sa Sabado ang mga labi ng overseas Filipino worker na namatay sa rocket explosion sa Libya.
Ayon kay Vice President Jejomar Binay, nakipag-coordinate na ang kanyang tanggapan sa Department of Foreign Affairs para sa repatriation ng bangkay ni Jupiter Adrias na nadamay sa rocket attack sa bayan ng Zawiyah sa Libya.
Kasama rin ang Overseas Workers’ Welfare Administration(OWWA) para naman magbigay ng ayuda sa naulilang pamilya ng biktima.
Tutulong din ang Bise Presidente para sa pagpapauwi sa labi ni Adrias mula Maynila hanggang Capiz.
Ang 31 taong gulang na OFW ay dalawang taon nang nagtatrabaho sa Libya.
Tags: DFA, Jupiter Adrias, Libya, OWWA, VP Binay