Labi ng estudyanteng pinaslang ng riding in tandem criminals sa Parañaque City, inilibing na

by Radyo La Verdad | January 8, 2018 (Monday) | 4952

Hustisya ang sigaw ng mga kaanak at kaibigan ni Karl Anthony Nuñez. Si Karl ang bente anyos na estudyanteng pinaslang ng riding in tandem criminals sa tapat mismo ng kanilang bahay sa brgy. Sun Valley sa Parañaque noong December 26, 2017.

Suot ang puting damit na may nakasulat na #JusticeforTutoy, nagmartsa pasado alas kwatro kahapon ang mga kaanak, kaibigan at kakilala ng binata patungong  Loyola Memorial Cemetery kung saan ito inilibing.

Umaasa ang pamilya Nunez na hindi makakasama si Karl sa mga biktima ng riding in tandem criminals na hindi nabibigyan ng hustisya.

Ayon sa ama nito na si Mang Manuel, wala silang ideya kung ano ang motibo sa pagpaslang sa binata. Wala umano itong  bisyo at ang tanging hilig lamang ay magbasketball at nagbibigay minsan ng assistance sa mga kapwa motorcycle riders na nagkakaproblema sa daan

 

( Rajel Adora / UNTV Correspondent )

 

 

Tags: , ,