Laban ng tatlong Presidentiables, mahigpit na – SWS Survey

by Radyo La Verdad | September 23, 2015 (Wednesday) | 2418

SURVEY
Muling nanguna sa September 2 to 5, 2015 pre-election survey ng Social Weather Stations si Senator Grace Poe.

Sa 96% na mga botante mula sa 1,200 respondents na tinanong kung ngayon gagawin ang eleksyon sino sa 12 pangalan na nakalista ang kanilang iboboto bilang Presidente.

Nakakuha ng 26% si Poe, halos dikit lang ito kay Vice President Jejomar Binay na may 24% at si dating DILG Secretary Mar Roxas na may 20%.

Sunod dito sina Davao City Mayor Rodrigo Duterte na may 11% at 4% sina Bongbong Marcos at Chiz Escudero.

Nanguna naman sa pre-election survey para sa Vice Presidential Bid si Poe na may 27%, 20% si Escudero, Duterte na may 9%, 7% sina Marcos at Manila Mayor Joseph Estrada.

Sumunod sa ranking sina Senator Allan Peter Cayetano, Legarda, Batangas Governor Vilma Santos, Trillanes, Lacson, Robredo , Senator Jinggoy Estrada at Atienza.

Inspirasyon naman para sa kampo ni VP Binay ang resulta ng bago survey ng SWS.

Itinanong rin sa mga respondents kung sino naman sa mga nasa listahan ang kanilang iboboto bilang mga Senador.

Nanguna rito si Tito Sotto, sunod si Lacson, Recto, Drilon, Marcos, Pangilinan.

Pasok rin sa winning circle sina DOJ Secretary Leila de Lima na pampito, sunod si Zubiri, Pacquiao, Gordon, Osmena at Mark Villar.

Sunod sa ranking sina Guingona, Robredo, Hontiveros, Lino Cayetano, Herbert Bautista, Atienza, Vilma Santos, Lani Mercado-Revilla, Junjun Binay, Villanueva, Gatchalian, Tolentino, Romualdez, Kris Aquino, Dingdong Dantes, Abaya, Rodriguez at Tupas. (Nel Maribojoc/ UNTV News)

Tags: , ,