Manila, Philippines – Umaapela sa Department of Trade and Industry (DTI) ang grupong laban konsyumer na ibaba na ang suggested retail price o srp ng ilang pangunahing bilihin kasunod ng pagbagal ng inflation rate sa bansa.
Sa pinakahuling ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA)
lalo pang bumagal sa three percent ang inflation ng pilipinas nitong abrilna pinakamababang inflation simula noong january 2018.
Ayon kay laban konsyumer group Vic Dimaguiba napapanahon na upang maglabas ng bagong srp ang dti dahil maraming produkto na ang dapat na nagbaba ng presyo.
Kabilang sa mga ito ang ilang brand ng sardinas, instant noodles, sabon, bottled water at ilang condiments.
“Ang amin pong panawagan eh napapanahon na para maramdaman naman ng mga consumer yang 3 percent inflation sa pamamagitan ng pagbaba ng presyo sa mga pangunahing bilihin” ani Laban Konsyumer Incorporated President,Vic Dimaguiba.
(Joan Nano | Untv News)
Tags: DTI, Laban Konsyumer