La Niña, posibleng maranasan sa Hunyo – Sec. Solidum

by Radyo La Verdad | March 27, 2024 (Wednesday) | 7725

METRO MANILA – Unti unti nang humihina ang epekto ng El niño phenomenon sa bansa.

Bunsod nito, ayon kay Department of Science and Technology (DOST) Secretary Renato Solidum, posibleng maranasan naman ang La niña pagsapit ng buwan ng Hunyo.

Sa panahong ito , inaasahan ang mas madalas na mga pag-ulan.

Sa pag-iral ng La niña, ayon kay Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) Climate Monitoring and Prediction Chief Analiza Solis , posibleng umabot sa 13 hanggang 16 na bagyo ang pumasok sa bansa ngayong taon.

Mas marami ito kumpara sa pumasok na 11 bagyo noong nakaraang taon dahil sa epekto ng El niño phenomenon.

Subalit mas mababa sa average na bilang na 20 bagyo na pumapasok sa bansa kada taon.

Kaugnay nito, nagbabala ang PAGASA at si DOST Secretary Solidum na magiging maikli ang panahon ng preparasyon sa paparating na bagyo dahil mas malapit sa kalupaan ang pamumuo nito.

Tags: , ,