Natapos na ang pag-iral ng El Niño na naranasang bansa mula noong nakaraang taon.
Ayon sa PAGASA, nasa neutral condition na ngayon o tamang temperatura ang Dagat Pasipiko.
Sa ngayon, nahaharap naman ang bansa sa posibleng maging epekto ng pagiral ng La Niña na mag-uumpisang ma-develop ngayong buwan.
Kapag may La Niña ay mas maraming bagyo ang pumapasok sa Philippine Area of Responsibility.
At kahit nasa kalagitnaan na ng taon nag-umpisang mabuo ang mga bagyo sa Western Pacific ay nasa 9-15 bagyo pa ang posibleng pumasok sa PAR hanggang sa matapos ang 2016.
(Rey Pelayo/UNTV Radio)
Tags: La Niña