Nasa La Niña watch ngayon ang pagasa dahil lumaki ang posibilidad na umiral ang phenomenon pagkatapos ng El Niño.
Ayon sa senior weather specialist at OIC ng climate monitoring and prediction section ng PAGASA na si Anthony Lucero, bagama’t umiiral parin ang “strong” El Niño ngayon ay may ipinakikita nang indikasyon ang karagatan na magkakaroon ng La Niña sa huling bahagi ng 2016.
Mas malaki ang tsansa na makaranas ng impact ng La Niña ang mga lugar sa Easter Section ng bansa particular ang Isabela, Quezon, Bicol Region, Samar, Leyte, Caraga Region.
Noong 2015 sa parehong petsa ngayong Mayo ay nakakaapat na bagyo na ang pumapasok sa Philippine Area of Responsibility pero sa ngayon buwan ay wala paring pumapasok at nakaaapekto sa ating bansa.
Ayon sa PAGASA bago matapos ang taon maaari paring umabot sa 19-20 bagyo ang pumasok sa Philippine Area of Responsibility.
Ngayong buwan ng Mayo ay maaaring makaranas pa ng matinding tagtuyot ang 37 lalawigan o 42% ng bansa habang pagkatapos ng Hunyo ay huhupa na ito.
(Rey Pelayo / UNTV Correspondent)