Kuya Daniel Razon at Programang Serbisyong Kasangbahay, binigyang pagkilala ng Rotary Club of Parañaque Southwest

by Erika Endraca | August 29, 2019 (Thursday) | 8163

Manila, Philippines – Pinarangalan ng Rotary Club of Parañaque Southwest si Kuya Daniel Razon kasabay ng 23rd Induction Ceremony ng organisasyon nitong Martes (August 27).

Ang Excellence Award for Public Service ay bilang pagkilala sa ginagawang paglilingkod sa kapwa ni Kuya Daniel.Isa sa mga pangunahing adhikain ni Mr. Public Service ay ang pagtulong sa kapwa ano man ang kulay, relihiyon at kalagayan sa buhay.

Ilan sa mga proyektong pinasimulan ni BMPI-UNTV CEO and President Kuya Daniel ay ang libreng sakay, araw araw na medical mission sa iba’t ibang panig ng bansa, feeding program, libreng pagpapaaral sa mga mahihirap na estudyante at iba pa.

Samantala ginawaran naman ng Rotary Outstanding Public Service Award ang programang Serbisyong Kasangbahay ng UNTV at Radyo Laverdad 1350 dahil sa dedikasyon nito sa public service.

Ang Serbisyong Kasangbahay ay sabayang  napakikinggan at napapanood sa Radyo La Verdad 1350 at UNTV, Lunes hanggang Biyernes, mula 6pm hanggang 7pm ng gabi.

Layon nitong makapagbigay ng tulong medikal, payong legal at iba pang kawanggawa sa mga nangangailangan. Katuwang ng programa ang iba’t ibang grupo mula sa pribadong sektor gaya na lang ng Rotary Club of Parañaque Southwest.

Samantala, Katuwang ng UNTV sa mga serbisyo publiko nito ang Members Church of God International MCGI.

(Mirasol Abogadil | UNTV News)

Tags: ,