METRO MANILA – Pawang mga Pilipino ang 9 na nadagdag sa mga nagpositibo sa kaso ng COVID-19 sa bansa. 5 dito ay lalake habang 4 naman ang babae. Ang kanilang edad ay nasa 28 hanggang 82 na taong gulang.
Nilinaw naman ng Department Of Health (DOH) na 33 lang ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa at hindi 35 na una nilang naianunsyo.
“While we did our validation we only found 9 new cases. So now we are correcting it and again we apologize. We have placed down or taken down our post for these 35 to clarify this.” ani DOH Public Health Services Team ASec. Maria Rosario Vergeire.
Ang case numbers 25 at 26 ay kabilang sa mga Pilipinong umuwi na sakay ng Diamond Princess Cruise Ship. Hindi naman lumabas ng bansa ang case number 28, 29 at 30 perona-expose sila sa mga nagpositibo sa COVID-19. Habang wala ring travel history ang case number 27, 31, 32 at 33.
Tatlo sa mga 9 na bagong kaso ng COVID-19 ang asymptomatic o hindi kinakitaan ng sintomas. Hindi isinasantabo ng DOH ang posibilidad ng pagkakaroon ng community transmission, nguni’t ayon sa ahensya wala pa ganoong kalagayan ang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.
Samantala gagamitin na rin ng Food and Drug Administration (FDA) ang SARS- COV2 PCR detection kit kung saan kayang matukoy kung positibo sa COVID-19 ang isang pasyente sa loob lang ng 45 minuto hanggang 2 oras. Ang mga test kit na ito ay ginawa ng University of the Philippnes- National Institutes of Health.
“Nakakatulong iyon para ma- trace natin saang galing ang virus. Kasi ang virus as it travels all over, nagkakaroon siya na kaunti- unting pagbabago. So halimbawa nakita mo iyong genetic sequencing ng virus. Malalaman mo kung nangagling siya sa Japan o ito’y nanggaling sa china o nanggaling sa Taiwan o halimbawa nanggaling sa ibang lugar so unti- unti nkakatulong ito sa tracing.” ani FDA Director- General, Dr Eric Domingo.
(Aiko Miguel | UNTV News)
Tags: Coronavirus Disease