Kumpirmadong kaso ng 2019 nCoV sa China mas marami kaysa sa kaso ng SARS noong 2003

by Erika Endraca | January 30, 2020 (Thursday) | 1621

METRO MANILA – Umakyat na sa mahigit 6,000 ang kumpirmadong kaso ng 2019 Novel Corona Virus sa buong bansa. 5,974 dito ay naitala sa Mainland China kabilang na ang 132 mga nasawi.

Mas mataas ang bilang na ito kumpara sa naitalang kaso ng Severe Respiratory Syndrome SARS noong 2003 sa China na 5,327. Pero mas mataas pa rin ang bilang ng mga nasawi dahil sa SARS.

Sa ngayon may mahigit 9,000 naman ( 9,239 ) ang suspected cases sa buong China. Habang halos 60,000 naman ang under medical observation dahil nagkaroon ng close contact sa mga taong nahawa sa Novel Coronavirus.

Inaasahang matatapos na susunod na linggo ang isang ospital sa China na kayang maglaman ng mahigit 2,000 hospital beds.

Samantala, 17 bansa na ang may positibong kaso ng 2019 nCoV. Kabilang na ang, China, Australia, Canada, France, Japan, Malaysia, Nepal, Singapore, South Korea, Taiwan, Thailand, United States, Vietnam, Cambodia, Sri Langka, Germany at United Arab Emerates

(Grace Casin | UNTV News)

Tags: