Kumpanyang Kentex, pinagsusumite ng mga dokumento ng DOLE

by Radyo La Verdad | May 20, 2015 (Wednesday) | 1679

VICTOR_NOSHOW_051915
Pinagsusumite ng Department of Labor and Employment o DOLE ang Kentex ng mga dokumento para sa isasagawang imbestigasyon sa nangyaring sunog sa kanilang factory sa Valenzuela City.

Nangako naman ang Kentex na isusumite nito ang hinhinging dokumento ng DOLE para sa susunod na mandatory conference sa Biyernes.

Ayon sa Kentex, ang ibang dokumento na hiningi sa kanila ay titingnan pa nila kung hindi kasamang tinupok ng apoy sa loob ng factory.

Ayon sa DOLE, kailangan muna nilang makita ang mga dokumento upang matukoy kung may nagawang paglabag sa labor code ang Kentex.

Sinabi naman ni Atty. Renato Paraiso , legal counsel ng Kentel na maaring hindi alam ng may ari na hindi rehistrado sa DOLE ang subcontractor nito na CJC Manpower Services.

Itinanggi rin ng abogado ng Kentex ang mga alegasyon underpaid ang mga empleyado nila.

Humingi rin ng pasensya ang Kentex sa mga nawalan ng trabaho at kung sakaling muling magbukas ay muli silang iha-hire. (Darlene Basingan/UNTV News)

Tags: ,