Dalawang kumpanya ang nagsumite ng bid proposals para sa 1.1 million rolls ng thermal papers na gagamitin ng Comelec sa pag iimprenta ng voter’s receipt.
Ito ay ang Smartmatic at Forms International Enterprises Corporation.
85.8 million pesos ang approved budget para sa kontrata.
83.6 million pesos ang financial proposal ng Smartmatic habang 49.5 million lamang ang sa Forms International Enterprises Corporation para sa pinakamababang bid.
Sa ngayon dadaan na sa post qualification ang kumpanyang Forms International.
Batay sa timeline ng Comelec na makapag isyu ng notice to proceed para sa thermal papers sa April 18.
Kapag naisyu na ang notice to proceed may limang araw ang kumpanya para maideliver ang 1.1 milyong rolls ng thermal paper.
Kasalukuyan namang dumadaan sa certification ng Department of Science and Technology ang thermal papers ng Forms International.
Batay sa terms of reference dapat ay kayang tumagal ng limang taon ang image na maiimprenta sa thermal paper.
Una nang sinabi ng Comelec na kailangan nilang bumili ng karagdagang thermal papers dahil walang nakalaang thermal papers para sa pag iimprenta ng voter’s receipt.
(Victor Cosare
Tags: COMELEC, Forms International Enterprises Corporation, thermal papers