METRO MANILA – Nadismaya naman ang ilang commutter sa Edsa Monumento dahil kulang ang kanilang pera pambili ng beep card na nagkakahalaga ng P180. P80 para sa card at may lamang P100 na load.
Kinakailangang may minimum na P70 na laman ang beep card para makasakay sa Edsa busway, dahil ito ang halaga ng buong ruta.
Importante na itap-out ulit ang beep card bago bumaba para maibawas lamang ang eksaktong pamasahe na dapat bayaran depende sa destinasyon.
Nag-usap na ang Department Of Transportation (DOTr) at ang Af payments Inc ang kumpanyang nagmamayari ng beep card, kaugnay sa apela na ilibre na ang card upang load nalang ang babayaran ng pasahero.
Inihihirit din ng DOTr na kung pwede ay irefund ang mga card na nabayaran ng mga pasahero.
Ayon sa Af payments Inc, titingnan nila ang posibilidad na mapababa ang presyo ng beep card. Pero inamin nito na mahirap nang i-refund ang mga naibenta na.
Paliwanag ng DOTr matagal nang plano na gawing cashless ang pagbabayad ng pamasahe sa mga pampublikong sasakyan.
(Joan Nano | UNTV News)
Tags: beep card