Pinabulaanan ng Philippine National Police ang kumakalat na balita sa social media hinggil sa umano’y planong pambobomba sa ilang mall sa Metro Manila.
Sa isang pahayag, sinabi ng PNP na matagal nang kumalat ang ganitong impormasyon ngunit wala itong katotohanan.
Sa isa ring statement, itinanggi naman ng Philippine Red Cross na sa kanila nanggaling ang impormasyon at iginiit na hindi sila naglalabas ng anumang security advisory.
Panawagang muli ng PNP sa publiko na iwasang mag-post at mag-share ng mga impormasyon kung hindi ito berepikado.
Tags: bantang pambobomba, NCR, PNP, social media
The Philippine Broadcast Hub
UNTV, 915 Barangay Philam, EDSA, Quezon City M.M. 1104
Radyo La Verdad © All Rights Reserved 2019
+632 8 442 6254 | Monday – Friday, 8AM – 5PM | info@radyolaverdad.com