Kulang ang P40 na dagdag-sahod sa NCR — ACT

by Radyo La Verdad | July 3, 2023 (Monday) | 11096

METRO MANILA – Nakukulangan ang Alliance of Concerned Teachers (ACT) sa inaprubahang P40 na dagdag sahod sa mga manggagawa sa National Capital Region (NCR).

Sa isang pahayag sinabi ni ACT Chairperson Vladimer Quetua na ang wage hike na inaprubahan ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board, ay hindi sapat sa lumalaking pangangailangan ng mga manggagawa lalo ng nasa private sector.

Sa July 16, magiging epektibo ang bagong wage order. Mula sa P570, magiging P610 na ang minimum na sahod ng mga manggagawa sa non-agricultural sector.

Mula naman sa P533, magiging P573 na ang minimum wage ng mga nasa sektor ng agrikultura.

Kamakailan sinabi ng Ibon Foundation, na P1,160 ang kinakailangang arawang sahod ng isang pamilya na may 5 miyembro sa NCR para makapamuhay ng desente.

Tags: , ,