Kredibilidad ni LT. Col. Ferdinand Marcelino, mahirap nang ibalik – dating PDEA Chief

by Radyo La Verdad | January 28, 2016 (Thursday) | 2220

dating-Philippine-Drug-Enforcement-Agency-Chief-Dionisio-Santiago
“He was prejudge already at miski makalusot sya baka sabihin pa whinite wash yan, all the negatives are there. If there are operations busted by Marcelino tapos kasa-kasama kang sindikato, do you think bubuhayin ka pa.

Ito ang pahayag ni dating Philippine Drug Enforcement Agency Chief Dionisio Santiago, hinggil sa pagkakahuli kay Marine LT.Col Ferdinand Marcelino sa isang shabu laboratory na sinalakay ng mga otoridad sa Maynila.

Ayon sa dating PDEA Chief, sakaling maabswelto si Marcelino sa kaso, magiging mahirap na maibalik ang kanyang kredibilidad bilang isang drug informant.

Para kay Santiago kumplikado ang sitwasyon ngayon ni Marcelino lalo’t maraming bagay ang kailangang mapatunayan niya sa mga otoridad upang maituring na opisyal ang kanyang misyon sa shabu lab.

Kinakailangan ring mapatunayan nito na well-coordinated ang kanyang mga galaw bilang bahagi ng standard operating procedure ng mga otoridad.

Muli namang iginiit ni santiago na batay sa kanyang pagkakakilala kay Marcelino,isa ito sa kanyang mapagkakatiwalang drug agent noong siya pa ang namumuno sa PDEA kung kaya’t mahirap para sa kanya na maniwala sa isyung kinasasangkutan nito ngayon.

(Joan Nano/UNTV News)

Tags: ,