Korte Suprema, wala pang aksyon sa alegasyon na “justice for sale “ ni Sen.Trillanes

by Radyo La Verdad | April 14, 2015 (Tuesday) | 1310

IMAGE_UNTV-News_JUL052013_Theodore-Te

Tumanggi ang tagapagsalita ng Korte Suprema na si Atty. Theodore Te na magbigay ng komentaryo kung iimbestigahan ng kataas-taasang hukuman ang dalawang mahistrado ng Court of Appeals na umano’y nasuhulan kapalit ng pagpabor sa isang pulitiko.

Gayunman, nilinaw ni SC Spokesman Atty. Te na nasa jurisdiction ng Korte Suprema ang pagdisiplina sa mga mahistrado ng Court of Appeals.

Kinondena naman ng Malacañan ang lahat ng uri ng korapsyon sa pamahalaan lalong lalo na sa justice system sa bansa.

“Government is against all forms of corruption, we should how ever consider the doctrine of separation of powers as the allegation of porpoted bribery pertains to the judiciary we will defer to the Supreme Court to take a look as such serious allegations and for the senate to act on the proposed resolution presented by one of its members” pahayag ni PCOO Sec. Herminio Coloma

Dati nang may hamon si Chief Justice Maria Lourdes Sereno sa publiko na iparating sa kanila ang anomang katiwalian sa mga Korte sa bansa.

Nitong nakaraan taon ay pinaimbestigahan ng Supreme Court ang kontrobersiyang kinasangkutan ng isang ‘Mam Arlene’ na umano’y nang iimpluwensiya sa desisyon ng mga Huwes. ( Roderic Mendoza/ UNTV News Senior Correspondent )

Tags: , ,