Korte Suprema, muling hinimok na maglabas ng TRO laban sa implementasyon ng K to 12 program

by dennis | July 29, 2015 (Wednesday) | 1914

SUPREMECOURTK12 031315

Naghain ng panibagong mosyon sa Korte Suprema ang ilang mga magulang at guro mula sa Manila Science High School upang himukin ang korte na maglabas na ng tro laban sa pagpapatupad ng K to 12 law.

Ayon sa kanila, kailangan nang resolbahin ng Supreme Court ang kanilang hiling na temporary restraining order upang payagan ang mga grade 10 students sa buong bansa na kumuha ng entrance exam sa mga kolehiyo.

Kabilang na dito ang mahigit 300 grade 10 students ng Manila Science.

Gipit na umano sa panahon kung hindi agarang maglalabas ng TRO ang Korte lalo na’t hanggang bukas na lamang maaaring mag-apply para sa UPCAT, ang entrance exam ng UP na isasagawa sa darating na August 30.

Susundan na rin ito ng entrance exam ng iba pang malalaking kolehiyo sa bansa.(Roderic Mendoza/UNTV News)