Korte Suprema, hinimok na ipatigil ang pangongolekta ng bill deposit ng Meralco

by Erika Endraca | May 1, 2019 (Wednesday) | 17421

Manila, Philippines – Naghain ng petisyon ang grupong bayan muna upang himukin ang Korte Suprema na ideklerang ilegal at walang bisa ang pangongolekta ng meralco ng bill deposit sa sa mga consumer.

Ang bill deposit ay garantiya na mababayaran ang buwanang konsumo sa kuryente. Tulad ito ng konsepto sa deposito para sa upa ng bahay.

Ang halaga nito ay katumbas ng isang buwang bill ng consumer. Ayon sa mga petitioner, hindi bababa sa 29-Billion pesos ang nakolektang bill deposit ng meralco.

Bukod dito, nasa 2.1 Billion pesos na umano ang interes ng bill deposits mula 2018 hanggang 2019. Tanong ng mga petitioner, para saan ba talaga ito?

“Bakit ka maniningil ng bill deposit eh kung hindi makabayad iyong consumer pinuputulan mo naman iyan eh napipilitan ka magbayad iyong interes nito na bilyun bilyong piso ha eh hindi nababalik” ani Former Bayan Muna Partylist Representative Neri Colmenares.

‘Kayat hiling nila sa Korte Suprema, permanenteng pagbawalan ang meralco at iba pang distribution utilities sa bansa na mangolekta ng bill deposit.

Nais din nilang ipabusisi sa commission on audit ang lahat ng bill deposit na kinolekta ng meralco at ibalik ito sa mga consumer kasama na ang naging interes nito.

Hindi pa natatanggap ng meralco ang kopya ng petisyon pero naninidigan itong sang ayon sa magna carta for electricity consumers ang pangongolekta nila ng bill deposit

“It is under the law the magna carta, that’s why we apply what is stipulated under the law” ani Meralco Spokesperson Joe Zaldarriaga.

Kusa rin umano itong ibinabalik sa mga consumer na maagap magbayad ng kanilang bill.

“There are also many cases wherein this is returned to a customer who is paying on or before the due date for 3 consecutive years consistently so we recognize this really as a money of consumers” ani Meralco Spokesperson Joe Zaldarriaga

(Mai Bermudez | Untv News)

Tags: , , ,