Hindi na nakatakas pa sa mga operatiba ng anti-drug unit ng QCPD Station 6 ang dalawang lalaking sangkot sa droga. Kinilala ang mga suspek na sina Jeon Taek sang 45 anyos na taga Busan, Korea kasama ang isang Pinoy na si Bobby Ortalla, 30 anyos.
Ayon kay Station 6 Commander PSupt. Rossel Cejas, nakatanggap sila ng sumbong hinggil sa grupo na umano’y nagsusupply ng droga sa Payatas at brgy. Old Balara sa Quezon City.
Target din umano ng mga ito na pagsamantalahan ang mga menor de edad na babae na pinagagamit nila ng droga at dinadala sa motel. Todo tanggi naman ang mga suspek na si Bobby dahil nagkataon lang umano siyang napadaan sa lugar at nakita ang kakilalang Koreano.
Nakuha sa mga suspek ang siyam na pakete ng hinihinalang shabu na may street value na isan daang libong piso. Narecover din ang P600 na buy bust money at ilang piraso ng hinihinalang party drugs.
Sa ngayon ay mananatili muna ang dalawa sa Station 6 na nahaharapa sa mga kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
( Bernard Dadis / UNTV Correspondent )