Korean national at 3 iba pang umano’y kasabwat ng pitong pulis na nangikil sa ilang dayuhan sa Angeles, Pampanga, sinampahan na ng reklamo

by Radyo La Verdad | March 9, 2017 (Thursday) | 2283


Pormal ng sinampahan ng reklamo ng Philippine National Police Region 3 sa Angeles City Regional Trial Court ang Korean National na si alyas “Thomas” kaugnay ng umano’y pangingikil ng pitong pulis sa tatlong korean national noong December, 2016.

Kabilang din sa kinasuhan ang kasangbahay ng tatlong Korean National, isang alyas “Badong” at ang Hepe ng Police Station 5 ng Angeles City na umano’y kasabwat ng mga suspek,

Kidnap for ransom at Robbery-extortion ang isinampa laban sa apat.

Ayon kay Central Luzon Regional Director Pc/Supt. Aaron Aquino, aabot sa 300 thousand pesos ang nakuha ng mga suspek sa kanilang mga biktima sa huli nilang operasyon noong Disyembre;

135-thousand umano rito ay napunta sa Hepe ng Police Station 5, tig-17,000 pesos ang pitong pulis, at 30,000 pesos naman ang nakuha ni Thomas at ang natitira ay pinaghatian umano nina alyas “Badong” at ng housemaid.

Kabilang sa ginamit na ebidensiya sa reklamo ay ang pag-amin ng pitong pulis na kumuha sa tatlong Korean National sa Friendship Plaza Subdivision noong Disyembre.

Nasa Restrictive Custody na ng Angeles City Police Office ang Hepe ng Station 5 na si Police Chief Inspector Wendell Ariñas habang at-large naman si alyas “Thomas.”

(Joshua Antonio / UNTV Correspondent)

Tags: , , , ,