Takot at pag-aalala ang nararamdaman ngayon ng mga Korean national na naninirahan sa bansa matapos ang napapaulat na serye ng pambibiktima umano ng ilang tiwaling pulis sa kanilang mga kababayan.
Kanina, nag-alay ng mga bulaklak sa loob ng Camp Crame ang ilang Korean national para sa pagkakapaslang sa negosyanteng si Jee Ick Joo.
Ayon kay United Korean Community Association in the Philippines Vice President Charlie Shin, bagaman tiwala sila sa mga Pilipino, hindi pa rin maiaalis ang pangamba para sa kanilang seguridad.
Personal namang humingi ng paumahin sa pamamagitan ng isang sulat ang PNP Station 5 sa Angeles,Pampanga sa Korean community doon.
Naghigpit na rin sila ng seguridad para sa Korean community sa Angeles pati na sa ilang lugar na pinupuntahan ng mga dayuhan at hindi papayagang makapasok ang mga operatiba rito hangga’t walang pahintulot ng pamunuan ng Station 5.
Umaasa naman ang samahan ng mga Koreano sa bansa na mabibigyan ng hustisya ang sinapit ng kanilang mga kababayan sa kamay ng ilang tiwaling pulis.
(Grace Casin / UNTV Correspondent)
Tags: Korean Community Association sa bansa, nababahala na para sa kanilang seguridad