Korea, nakatakdang mag-angkat ng Okra mula sa Pilipinas

by Erika Endraca | May 13, 2021 (Thursday) | 4316

METRO MANILA – Nakatakdang mag-angkat ng okra mula sa Pilipinas ang Korea para sa 2021-2022 season ayon kay Department of Agriculture (DA) Attachè Aleli Maghirang.

Magsisimula aniya ang pagpapadala ng naturang produkto kapag naisumite na ang inspectional report na hinihingi ng Animal and Plant Quarantine Agency (APQA) ng Korea.

Samantala, itinuturing naman ito ni DA Secretary William Dar na isang ‘milestone’ ng bansa dahil taong 2014 pa humiling ang gobyerno na buksan ang Korean market para makapag-export ng okra.

“The entry of Philippine okra to the Korean market is indeed a welcome development to boost not only the livelihood and incomes of our farmers, but also pave way to other potential export crops, thus invigorating the country’s agriculture sector,” ani DA Secretary Dar.

Sa kasalukuyan ay may apat na okra exporter ang Pilipinas na matatagpuan sa Tarlac. Kabilang dito ang Jelfarm Fresh Produce Enterprise; Greenstar Produce, Philippines Inc.; AAMC Foods Corp.; at Hi-Las Marketing Corp.

(Rhuss Egano | La Verdad Correspondent)

Tags: ,