South Korea, magpapatuloy na muli sa pag-aangkat ng chicken meat at pet birds mula sa Pilipinas

by Erika Endraca | August 19, 2021 (Thursday) | 5078

METRO MANILA – Magpapatuloy na ulit ang South Korea sa pag-aangkat ng chicken meat at pet birds mula sa Pilipinas matapos i-lift ang temporary suspension of imports ng poultry and pet bird products.

Matatandaang itinigil ng South Korean government ang pag-aangkat ng mga nasabing produkto noong nakaraang taon dahil sa outbreak ng H5 avian influenza (HPAI) .

Samantala, ipinoproseso na ng DA at National Meat Inspection Service (NMIS) ang requirements para sa renewal ng accreditation upang makapag-export sa Korea.

(Kyle Nowel Ballad | La Verdad Correspondent)

Tags: ,