Korapsyon sa PhilHealth, pinaiimbestigahan na sa PACC, DOJ at NBI

by Radyo La Verdad | May 30, 2018 (Wednesday) | 5291

Nagsimula na ang imbestigasyon ng Department of Justice (DOJ), National Bureu of Investigation (NBI) at Presidential Anti-Corruption Commission (PAAC) sa umano’y korapsyon sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

Ayon kay PhilHealth President Dr. Celestina Dela Serna, nais nilang matukoy sa lalong madaling panahon kung ano ang ugat ng sinasabing pagkalugi ng state run Health Insurance Company.

Sa ngayon ay iniimbestigahan na rin ng PhilHealth ang 195  alleged fraudulent claims sa PhilHealth.

Bukod pa rito ang biglaang paglobo ng bilang ng claims para sa mga kaso ng pneumonia na posibleng pinagsasamantalahan umano ng ilang health care provider.

Labis ding ikinabahala ni Senator Joseph Victor Ejercito ang umano’y pagda-divert ng pondo ng PhilHealth ng ilang opisyal ng nagdaang administrasyon.

Sa kabila nito, muling tiniyak ng PhilHealth ang kanilang kakayahan na magbayad ng mga obligasyon sa kabila ng mga isyung kinakaharap nito.

 

( Roderic Mendoza / UNTV Correspondent )

Tags: , ,