Inilabas na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang kopya ng drug matrix sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa City.
Tulad ng sinabi ng pangulo, kasama sa listahan ng umano’y sangkot sa drug trade sa bilibid si Senator Leila de Lima at ang dating driver/bodyguard nito na si Ronnie Dayan.
Kabilang din sa “Muntinlupa connection” matrix sina dating Pangasinan governor at ngayo’y 5th district representative ng lalawigan na si Congressman Amado Espino Junior; Pangasinan District Board Member Raul Sison; Pangasinan City Administrator Rafy Baraan, kapatid nitong si Former Justice Undersecretary Francisco Toti Baraan at si dating Bureau of Corrections Chief General Franklin Bucayo.
Sinabi kahapon ng pangulo na hindi umano direktang bumili ng illegal drugs si De Lima ngunit ang senadora di-umano ang nangasiwa sa drug trade sa national penitentiary.
Una nang pinabulaanan ni Senator De Lima ang alegasyong ito ni Pangulong Duterte.
(UNTV RADIO)
Tags: drug matrix, new bilibid prison