Hawak na ngayon ng Department of Justice ang kopya ng records ng bank accounts mula sa RCBC na ginamit sa laundering ng 81-million dollars na ninakaw sa Bangladesh Central bank.
Inilakip ito ng Anti-Money Laundering Council bilang ebidensya sa dalawang kasong isinampa laban kay Maia Deguito, Kim Wong at Weikang Xu.
Hinihintay na lamang ng DOJ ang request mula sa Senate Blue Ribbon Committee ngunit dapat umanong malinaw sa request kung anong mga bank records ang kailangan at may kalakip na clearance mula sa amlc kung anong records lamang ang dapat maibigay sa senado.
Consolidated na ang mga kasong money laundering na isinampa ng AMLC kina Deguito at nakatakdang simulan ng DOJ ang preliminary investigation sa April 12.
(Roderic Mendoza / UNTV Correspondent)