Kooperasyon ng local officials sa Mindanao vs terorismo, hiniling ni Pangulong Duterte

by Radyo La Verdad | March 10, 2017 (Friday) | 1386


Personal na hiningi ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kooperasyon ng mga local chief executive sa Mindanao si Pangulong Rodrigo Duterte para sa laban sa terorismo.

Ayon sa pangulo iniiwasan niyang lumala ang problemang ito sa Mindanao kaya hinimok niiya ang mga local leader na gamitin at pakilusin ang mga pulis at sundalo sa kanilang lugar.

Aniya kung lalala ang sitwasyon wala siyang ibang magagawa kundi magdeklara ng batas militar sa Mindanao.

Naniniwala ang pangulo na sakaling matuloy ang pagdedeklara ng martial law sa katimugang bahagi ng bansa at kwestyunin ito sa Korte Suprema, maipapaliwanag nila ito sa mga mahistrado.

Nagbabala din ang pangulo sa mga local leaders na huwag kanlungin ang mga terorista.

Giit ng pangulo, sakali mang ideklara niya ang Martial Law sa Mindanao, ito ay dahil sa paghahangad niya na maprotektahan ang bansa at hindi ang pagnanais na manatili sa kapangyarihan.

Dagdag pa ng pangulo, ang kapakanan din ng bansa at ng mga Pilipino sa hinaharap ang iniisip niya kung bakit patuloy na isinusulong ang mahigpit na kampanya laban sa iligal na droga.

(Victor Cosare / UNTV Correspondent)

Tags: , ,