DAVAO CITY – Nananawagan sa mga Dabawenyo ang COVID-19 Task Force para sa tuluyang pagpuksa ng COVID-19 virus kahit na ang lungsod ng Davao ay nasa Alert Level 2 na , dapat pa rin nilang sundin ang health protocols, pagsusuot ng face mask, face shield, physical distancing, paghuhugas ng kamay at pagpapabakuna.
Ayon kay Davao City COVID-19 Task Force Spokesperson Dr. Michelle Schlosser, kahit striktuhan pa ang regulation, magdedepende pa rin sa mga tao ang pagsunod sa minimum public health standards, kung gaano ka-responsable ang mga tao sa pagprotekta sa kani-kanilang sarili.
Samantala, nangangamba ang COVID-19 Task Force na muling maging Alert level 3 na naman o maging Alert level 4 ang lungsod kung magpapabaya ang bawat residente.
(Peter John Salvador | La Verdad Correspondent)