Kontrobersyal na bahay ni Iloilo City Mayor Jed Mabilog, binisita ng mga tauhan ng NBI

by Radyo La Verdad | September 1, 2017 (Friday) | 2628

Ito ang tahanan ni Iloilo City Mayor Jed Patrick Mabilog sa brgy. Tap-Oc, Molo District sa Iloilo City. Mayroon itong dalawang palapag at nakatayo sa 200 square meters na lupa na bahagi ng compound na kinatatayuan ng ancestral house ng pamilya ng alkalde.

Ang ground floor ang nagsisilbing venue ng mga pagtitipon ng pamilya. Sa itaas naman ay ang dalawang kwarto, dining area at ang kusina.

Binuksan ito ng alkalde sa publiko upang ipakita na hindi umano ‘malapalasyo’ ang kanyang tahanan katulad ng unang inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon sa kapatid ni Mayor Mabilog na si JV Mabilog, hindi P70-90 milyon ang halaga ng bahay kundi nasa P5-8 million pesos lamang.

Nagsagawa na ng ocular inspection ang National Bureau of Investigation sa bahay matapos ipag-utos ni Pangulong Duterte ang lifestyle check sa alkalde.

Ngunit ikinadismaya ng kapatid ni Mayor Mabilog ang kawalan umano ng mga ito ng kaukulang papeles upang magsiyasat sa lugar.

 

(Mirasol Abogadil / UNTV Correspondent)

 

 

Tags: , ,