Kontribusyon ng UNTV sa paglalapit sa publiko ng programa ng PNP, kinilala sa 26th PNP-PCRG Anniversary

by Radyo La Verdad | August 31, 2018 (Friday) | 5862

Mahalaga para sa Philippine National Police (PNP) ang suporta ng komunidad upang maging matagumpay ang kanilang mga kampanya kontra kriminalidad at mapanatili ang kapayapaan sa bansa.

Dahil dito ay patuloy silang gumagawa ng mga hakbang upang mailapit sa mga tao ang mga pulis.

Tulad na lamang ng paglalagay ng mga program sa radyo at telebisyon upang mas madaling maipaabot sa publiko ang kanilang mga mensahe.

Kabilang na rito ang programang PULIS @ UR SERBIS na ineere ng libre sa Radyo La Verdad 1350 at UNTV linggo-linggo bilang bahagi ng public service advocacy nito.

Kahapon sa pagdiriwang ng ika-26 na anibersaryo ng pagkakatatag ng Police Community Relations Group ng PNP, ginawaran nito ng pagkilala ang kanilang mga partner, kabilang na rito ang UNTV at Radyo La Verdad.

Nagpapasalamat din sila dahil kasabay ng pagdiriwang ay inanunsyo naman ng PCRG ang pagsisimula ng kanilang ng programa na Global Police Community Relations.

 

( JL Asayo / UNTV Correspondent )

 

 

 

 

 

Tags: , ,