Sinimulan na ng Department of Science and Technology ang kanilang science nature tour sa Central Luzon.
Tampok rito ang mga teknolohiya na may malaking magagawa sa pag-unlad ng business sector, lalo na sa larangan ng food processing.
Kabilang sa mga ito ang DOST-developed na mga makinarya gaya ng spray dryer, fish dryer, vaccum fryer at waterator.
Layunin ng tour na mai-promote ang local products na ginamitan ng makabagong pamamaraan na makatutulong ng malaki sa mga negosyante.
Sa labing-isang libong local varieties na na-develop ng DOST, dalawandaan dito iprinesenta ng ahensya sa publiko;
Kabilang na rito ang milk drink na gawa mula sa bigas, spices and condiments, fried langka at carrots at fried tahong at iba pang lokal na produkto.
(Nestor Torres / UNTV Correspondent)
Tags: business sector, Central Luzon, DOST, Kontribusyon ng teknolohiya, science nature tour