Konsulado ng Pilipinas nais mapataas ang turnout overseas absentee voting sa New York

by Radyo La Verdad | March 23, 2016 (Wednesday) | 916

US-EMBASSY
Ilang linggo na lamang bago ang pagbubukas na overseas absentee voting sa iba’t ibang panig ng mundo.

Puspusan narin ang paghahanda ng embahada at ng mga konsulado dito sa Amerika para sa darating na halalan.

Kamakailan lang ay natapos na ang tatlong araw na training ng Comelec at DFA para sa paggamit ng Vote Counting Machines o VCM na isinagawa sa Philippine Consulate General dito sa New York.

Ayon kay Consul Kerwin Tate maaaring bumoto ang ating mga kababayan sa pamamagitan ng personal voting o di kaya naman ay postal voting para sa nakatira sa malalayong lugar.

Itinuro rin ni Consul Tate ang proseso sa postal or mail voting.

Aabot sa mahigit dalawamput anim na libong rehistradong botante dito sa New York kung kaya naman pinapayuhan ng embahada ang ating mga kababayan na makiisa sa gagawing botohan.

Ayon kay Consul Tate target nila na mapataas ang voter turnout ngayon kumpara sa nakaraang taon.

Nagpasalamat rin ang konsulado sa UNTV, na isa sa official media partner nito para sa election sa taong ito.

“Nagpapasalamat po kami sa UNTV, bilang isa sa aming media partners, na binibigyan kami ng oras at binibigyan kami ng pagkakataon, na makapag-sabi sa ating mga kababayan kung gano kahalaga ang election para sa atin, para kinabukasan ng bawat Pilipino, maraming salamat po, sana po ay ipagpatuloy ninyo ang pagcocover nitong election, para po talagang lahat ng mga botante dito sa US na Overseas Filipino Voters ay makapag-participate.” Pahayag ni Philippine Consulate, Newyork Consul Kerwin Tate

Bukod sa pakikipaktulungan ng consulado sa UNTV, ay patuloy din ang pakikipag-ugnayan nito sa iba’t-ibang filipino community dito, upang mapataas ang voters turn-out sa darating na election.

(Sonny Coz/UNTV NEWS)