Konstruksyon ng Sangley airport, posibleng matapos ng mas maaga – DOTR

by Erika Endraca | June 28, 2019 (Friday) | 9812

MANILA, Philippines – Ipinamamadali na ni Department of Transportation (DOTR) Secretary Arthur Tugade ang konstruksyon ng Sangley airport sa Cavite City.

Nobyembre ang itinakdang deadline ng malakanyang sa proyekto, pero ayon sa kalihim sisikapin nilang matapos iyon sa Setyembre. Kaya naman nagdagdag na ng mga tauhan ang contractor at ginawang 24/7 ang trabaho.

“Sabi ng pangulo november eh habulin natin ng november and knowing me sa tingin mo anong deadline ko (September?)Oh kita mo september..you know me pinapa-advance ko” ani Dotr Sec. Arthur Tugade

Batay sa ulat ng dotr, natapos na ng contractor ang pag-aspalto sa runway ng paliparan. 70 porsyento ng tapos ang drainage system. Habang 40 porsyento pa lamang na tapos ang passenger terminal building.

Ang hangar naman sa airport kung saan ipaparada ang mga eroplano 30 porsyento pa lamang ang nagagawa.

Kapag natapos ang kontruksyon, ililipat na sa sangley airport ang ilang domestic flights sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA). Isa iyon  sa solusyong nakikita ng gobyerno sa congestion sa naia. Samantala dating naval station at military base ng Estados Unidos ang Sangley Point.

Ginamit na iyon  ng Philippine Navy at Airforce, maging ang ilang pribadong eroplano galing naia. Sa ngayon hindi pa masabi ng aviation sector kung ilan at anu-anong biyahe ng mga eroplano ang ililipat sa Sangley airport.

“What we will do is to do a careful study of course we would really support the government on decongesting our airport traffic. ani Philippine Airlines Inc. Oic, Vivienne Tan.

“I think the first priority is to ensure that the basket of solutions are supported that when sangley is built that we will add flights there”ani Cebu Air Inc. President And Ceo, Lance Gokongwei.

(Joan Nano | Untv News)

Tags: , ,