Groundbreaking ceremony sa pagsisimula ng konstruksyon ng 1.5-billion dollar national stadium na pagdarausan ng 2020 Olympics, isinagawa sa Tokyo, Japan.
Sa lugar din na ito idinaos ang 1964 Tokyo Olympics.
Pinangunahan ang seremonya nina Prime Minister Shinzo Abe, Tokyo Governor Yuriko Koike at iba pang malalaking personalidad.
Sa pamamagitan ng isang video presentation, ipinaliwanag naman ni Architect Kengo Kuma ang magiging istraktura ng gagawing open-air stadium.
Inaasahang matatapos ang proyekto sa November 2019.
Tags: Konstruksyon ng national stadium na gagamitin sa Tokyo Olympics, sisimulan na