METRO MANILA – Nakiisa ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa global launching ng Members Church of God International (MCGI) Free Store.
Ayon kay DSWD National Capital Region Director Vicente Tomas, naiiba ang konseptong ito at kauna-unahan sa bansa.
Dagdag pa nito, napapanahon ang programa dahil sa umiiral na Covid-19 pandemic dahil marami itong matutulungan lalo na ang mga mahihirap at nawalan ng hanabuhay.
Naniniwala naman ang DSWD na walang bahid ng pulitika at pawang serbisyo lang ang ginagawa ng MCGI.
“Thank you po sa opportunity and of coure sa ating mga kasama sa mcgi, talagang this is a very noble at saka talagang very timely, very relevant and responsive dahil yun nga ang tulong na ito ay walang pili we are here to share what god has given us.”ani DSWD National Capital Region Director Vicente Tomas.
Ikinatuwa rin ng DSWD ang mahigpit na pagpapatupad ng minimum health standards tulad ng physical distancing, pagusuot ng face mask at face shield sa mga venue ng free stores.
Dagdag pa ni Director Tomas, magandang halimbawa ito na gayahin ng ibang samahan para sa kapakanan ng ating mga kababayan na nangangailangan.
“Even the LGUs they have their own strengths iba-iba yung kanilang istratehiya on how to address the problem, and this is a very good template na matularan na iba pang may ganun ding puso, ginituang puso to reach out.”ani DSWD National Capital Region Director Vicente Tomas.
Tiniyak naman ng kagawaran na makipagtulungan sila sa Members Church of God International para sa kanilang public sevices.
Lubos namang nagpapasalamat ang mga benepisyaryo ng free store dahil bukod sa libre ay nakakapimili pa sila ng mga produktong ayon sa kanilang pangangailangan.
Samantala, sinabi naman ng MCGI na ang programang kanilang pinasimulan ay magpapatuloy para sa lahat.
Naniniwala ang grupo na bagamat mahihirap lamang din ang karamihan sa mga miyembro nito, malaki naman ang magagawa ng pagkakaisa at pagtutulungan para makagawa ng mabuti sa kapuwa
“Maimungkahi tao sa pagbibigay ng hindi naman niya na kailangan o ng gamit na hindi ginagamit o bagay na labis sa kanya na alam naman nating marami ang nangangailangan” ani MCGI Representative, Bro. Danny navales.
Ang konseptong ito ay pinasimulan ng MCGI sa pangunguna ni Bro. Eli Soriano at Kuya Daniel Razon sa loob ng kanilang samahan…
Pero, dahil sa layunin na gumawa ng mabuti sa lahat ay binuksan nila ito kahit sa mga hindi miyembro ng MCGI.
“Napakaganda ng bunga nito at yan ay ating ipinagpapasalamat natin ng maraming-marami sa dios na mayroon tayong isang kagaya ni Kuya Daniel at Bro. Eli na ang malasakit sa kapwa tao hindi lamang sa kapatiran.”ani MCGI Representative, Bro. Danny Navales.
(Dante Amento | UNTV News)
Tags: DSWD, MCGI Free Store