Kongreso, natanggap na ang report ni Pres. Duterte sa Martial Law proclamation

by Radyo La Verdad | May 26, 2017 (Friday) | 2477


Isinumite na kagabi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Kongreso ang kanyang report ukol sa deklarasyon ng Martial Law at suspensyon sa writ of habeas corpus sa buong Mindanao.

Mag-aalas dies ng opisyal na matanggap ito nina Senate President Aquilino Pimentel The Third at House Speaker Pantaleon Alvarez.

Kasama ng pangulo sina Congressman Alvarez at Senator Pimentel sa Davao City kung saan nagsagawa ng special cabinet meeting.

Nakatakda namang magsagawa ng closed door briefing ang Senado sa Lunes, May 29 upang talakayin ang report ng pangulo.

Sa Miyerkules naman, May 31 isasagawa ang executive session ng Kamara para pag-usapan ang magiging detalye ng pagpapatupad ng Martial Law.

Matapos ang closed door meeting, saka aaksyon ang Kongreso kung may pangangailangan bang i-revoke ang deklarasyon ng Martial Law, o i-extend ang pagpapatupad nito.

Tags: , ,