Kongreso, inaprubahan ang 1-yr extension ng batas militar sa Mindanao

by Radyo La Verdad | December 14, 2017 (Thursday) | 2806

Sa kabila ng mga pagtutol, inaprubahan ng Kongreso sa isinagawang joint session kahapon ang hiling ni Pangulong Rodrigo Duterte na isang taong pagpapalawig ng martial law sa Mindanao. 240 ang bumoto ng affrimative at 27 ang negative.

Magtatapos dapat ngayong buwan ang batas militar sa rehiyon, ngunit dahil sa extension, magiging epektibo ito hanggang sa December 2018.

Ikinatuwa naman ng Malacañan ang desisyong ito ng Kongreso at hiniling ang tulong ng publiko sa pagsupil ng rebelyon sa Mindanao.

Ngunit nagpahayag naman ng pagkabahala ang Makabayan Bloc sa muling pagpapalawig ng batas militar. Bunsod nito, nais ng opposition group at Senate Minority Bloc na idulog ang usaping ito sa Korte Suprema.

Ngunit para sa ilang senador, walang dapat ikabahala ang publiko sa desisyon ng Kongreso na pagbigyan ang hiling na ito ng Pangulo, lalo na’t wala naman umanong naiulat na pag-abuso sa karapatang pantao mula nang mapasailalim ang Mindanao sa martial law.

 

( Asher Cadapan / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,