Kongreso, dapat ipaliwanag ang napaulat na realignment ng P2.4B halaga sa 2019 proposed national budget para sa distrito ng Pampanga – Malacañang

by Radyo La Verdad | December 6, 2018 (Thursday) | 3313

Kinakailangang magpaliwanag ng Kamara sa napaulat na realignment ng 2.4 bilyong piso sa 2019 proposed national budget para sa distrito ng Pampanga ayon sa Malacañang.

Ibinunyag kahapon ni Senador Panfilo Lacson ang mga pinaghihinalaan nitong pork barrel na nakapaloob sa ipinasang 3.575 trilyong piso ng Kamara .

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, kung kinakailangan, dapat ding magpaliwanag si House Speaker Gloria Macapagal Arroyo kung bakit sa kaniyang distritong kinakatawan ay may napaulat na 2.4 bilyong piso na halaga ng pondong alokasyon.

Gayunman, ayon sa Malacañang ay ibang usapin naman kung mapangangatwiranan ang naturang mga alokasyon at gagastusin sa nararapat na pagka-gastusan.

Subalit kung mapupunta ito sa katiwalian, hindi aniya pababayan ng Duterte administration.

 

 

 

Tags: , ,