Pasok na sa October Monthly Finals ng A Song of Praise o ASOP Music Festival ang awiting “Makalugod sa ‘Yo”. Ito ay matapos tanghalin ang awit na second weekly finals winner kahapon.
Ito ang unang beses na sumali sa ASOP ang maylikha ng awit na si Reymar Cascara, isang Overseas Filipino Worker na mula sa Saudi Arabia kung saan ay nagustuhan ng mga hurado ang awit nito.
Samantala, masaya naman si William Cuderes na mapili bilang interpreter nito dahil naka-relate siya sa awit.
Tinalo ng awiting “Makalugod sa ‘Yo” ang “Dahil Ikaw ang aking Dios” ni Linolito Cajegas Jr. mula sa Davao City at “Picture of Grace” na komposisyon ni Irvin Galang mula sa Sampaloc, Manila.
( Leslie Longboen / UNTV Correspondent )
Tags: 2nd weekly elimination, ASOP Year 6, OFW