Kompensasyon ng Uber sa mga driver at operator na apektado ng 1 buwang suspensyon ng LTFRB, umabot na sa higit 100 milyong piso

by Radyo La Verdad | August 24, 2017 (Thursday) | 1525

Muling ipinatawag kahapon ng LTFRB ang kampo ng Uber kaugnay sa pagdinig ng kanilang mosyon na humihiling na bawiin na ang isang buwan suspensyon sa kanilang operasyon kapalit ang pagbabayad ng sampung milyong pisong multa.

Sa gitna ng diskyusyon, inusisa ng LTFRB sa Uber ang estado ng pamamahagi ng mga ito ng kompensasyon sa mga driver at operator na apektado ng suspensyon.

Ayon sa PH country manager ng Uber, sa ngayon ay umaabot na sa halos isang daang milyong piso ang kanilang naibibigay sa kanilang mga partner operator at drivers. Sakop nito ang mahigit sa tatlumpu’t-anim na libong mga active driver at operators.

Sa ngayon ay submitted for resolution na ng LTFRB ang mosyon ng Uber upang alisin na ang isang buwang suspensyon sa kanila.

Inaasahang ilalabas ng board ang kanilang desisyon hinggil dito sa lalong madaling panahon.

 

(Joan Nano / UNTV Correspondent)

 

Tags: , ,