Klase sa mga paaralan sa Metro Manila at ilang kalapit lalawigan, suspendido

by Radyo La Verdad | September 12, 2017 (Tuesday) | 4908

Suspendido na ang klase ngayong araw sa mga lugar na apektado ng bagyong Maring.

Walang pasok sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa buong Metro Manila.

Gayundin sa mga lalawigan ng Batangas, Cavite, Laguna, Quezon Province, Rizal at Bataan.

Suspendido rin ang klase sa lahat ng antas sa Marilao, Meycauayan at San Jose del Monte, Bulacan.

Wala namang pasok mula preschool hanggang elementary sa Calumpit, Bulacan.

Samantala, sinuspinde na rin ng Malakanyang ang pasok sa lahat ng opisina ng pamahalaan sa Metro Manila, Region 3 at Calabarzon Region.

Maging ang pasok sa lahat ng korte sa Metro Manila.

 

 

Tags: , ,