Klase sa maraming lugar sa Metro Manila at ilang karatig lugar, suspindido ngayong araw dahil sa masamang panahon

by Radyo La Verdad | July 27, 2017 (Thursday) | 2114


Samantala dahil sa masamang panahon, kinansela na ang klase sa lahat ng antas ng paaralan sa pribado at pampublikong paaralan sa buong lalawigan ng Pampanga.

Nagdeklara na rin ang Taguig City Local Government ng class suspension sa elementary at high school sa private and public schools.

Samantala una nang nagsuspinde ng klase sa Pasay, Las Piñas, Muntinlupa, Parañaque, Pateros, Malabon, Marikina, Mandaluyong, Maynila, Navotas, Caloocan at San Juan City.

Gayundin sa Taytay, Cainta at Antipolo, Rizal; Marilao, Meycauayan at Pulilan Bulacan; San Pedro, Laguna; Olongapo City, buong lalawigan ng Zambales, Cavite at Bataan.

Wala namang klase ang mga pre-school hangang senior high school sa Valenzuela City, San Mateo at Angono, Rizal.

Nagdeklara na rin ng class suspension sa lahat ng antas ang University of the East sa Manila at Caloocan campuses nito; De La Salle University; FEU Manila, Pamantasan ng Lungsod ng Valenzuela, Valenzuela City Polytechnic College, Manila Tytana Colleges at Arellano University sa lahat ng campuses nito habang wala namang pasok ang senior high school ng Feati University.

Samantala , wala na ring pasok ang Centro Escolar University sa Manila , Makati at Malolos.

Gayundin ang St. Paul College of Makati at St. Anthony of Makati Montessori ay nagdekalara na rin ng class suspension.

Tags: , ,