Klase sa ilang lugar sa Luzon, suspendido pa rin ngayong araw

by Radyo La Verdad | September 13, 2017 (Wednesday) | 6952

Wala pa ring pasok ngayong araw sa ilang lugar sa Luzon dahil sa bagyong Maring.

Kabilang sa mga nagdeklara ng class suspension sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan ang mga lalawigan ng Bataan, Zambales, Cavite, Laguna.

Gayundin ang Las Piñas, Marilao at Meycauayan sa Bulacan, Angono, Baras, Binangonan, Cainta, Morong, Pililla, Rodriguez, San Mateo, Tanay, Taytay at Teresa sa Rizal at Guagua Pampanga

Wala namang pasok mula pre-school hanggang highschool sa Batangas, Quezon Province at Cardona, Rizal.

Pre-school hanggang elementary naman ang walang pasok sa Tarlac city.

 

Tags: , ,

Presyo ng ilang gulay at agricultural products, inaasahang tataas dahil sa epekto ng Bagyong Maring

by Erika Endraca | October 18, 2021 (Monday) | 5951

METRO MANILA – Umabot na sa P1.2-B ang halaga ng mga nasirang agricultural products sa bansa matapos masira ang ilang taniman sa Northern Luzon dulot ng pananalasa ng bagyong Maring.

Nasa 42,000 magsasaka ang naapektuhan ang kabuhayan. Dahil dito, inaasahang mababawasan na rin ang supply ng mga gulay sa Metro Manila gayundin ang pagtaas ng presyo ng mga produktong agrikultura.

“Nakita natin ang paggalaw ng gulay dahil ito nga rin ay epekto nung nasalantang mga produce natin. Definitely, ‘pag nabawasan ang yield dahil natamaan ng bagyo ay tataas ang price points ng ating mga gulay dahil yung logistical cost ganun parin po and yet mas konti na ang nadadala sa merkado” ani DA Asec. Kristine Evangelista.

Gayunpaman, nakikipag-ugnayan na ang da sa iba pang rehiyon para sa alternatibong suplay ng gulay sa Metro Manila.

“Basically we are augmenting from different regions po to make sure na hindi masyadong magalaw ang presyo ng gulay para na rin po sa ating mga consumers dito.” ani DA Asec. Kristine Evangelista.

Siniguro naman ng DA na patuloy ang  pagbabantay sa suply ng agricultural products sa bansa upang hindi maabuso ang pagtaas ng presyo nito.

Tiniyak din ng kagawaran na may nakahandang tulong para sa mga magsasaka na naapektuhan sa nakalipas na pananalasa ng bagyong Maring

“Initially ang amin pong binibilisan para mapa-disperse na po at maibigay sa ating mga kababayang magsasaka’t mangingisda ay yung ating mga binhi at yung mga gamot para sa kanilang mga livestock, mga animals.” ani DA Asec. Kristine Evangelista.

Mayroon ding nakahandang zero interest loan para sa mga magsasaka na nais umutang ng pang-kapital kailangan lamang makipag-ugnayan sa tanggapan ng DA sa inyong lugar.

(Janice Ingente | UNTV News)

Tags: ,

Iniulat na nasawi dahil sa Bagyong Maring, umakyat sa 11 ; apektado ng bagyo sa 4 na rehiyon, halos 20,000 – NDRRMC

by Radyo La Verdad | October 13, 2021 (Wednesday) | 10039

METRO MANILA – Pinaka-naapektuhan ng bagyong “Maring” ang 4 na rehiyon sa bansa.

Batay sa ulat kahapon (October 12, 2021) ng NDRRMC, umabot sa mahigit 4,500 pamilya o katumbas ng halos 20,000 indibidwal ang naapektuhan ng bagyo sa Cagayan Valley, Mimaropa, Caraga at Cordillera Administrative Region.

Umakyat naman sa 11 ang napaulat na nasawi, 7 ang nawawala at tatlo naman ang nasugatan.

Ngunit sa ngayon ay patuloy pa rin itong bina-validate ng NDRRMC.

Kabilang sa mga napaulat na nasawi ay ang 3 biktima ng landslide sa La Trinidad Benguet, 2 sa Itogon Benguet at isa sa Baguio City.

Ikinalungkot naman ng NDRRMC na sa kabila ng abiso at babala, ay may ilan pa rin sa ating mga kababayan ang hindi nakaligtas sa pananalasa ng bagyo.

“Iyon naman ay nakikita natin base doon sa forecast na ibinigay ng pagasa, yung mga lugar na sinasabi nilang malakas ang ibubuhos na ulan. Kaya mula kahapon ay ang dami nating naipadalang na mga emergency alerts and warning messages tungkol sa mga malalakas na pag-ulan.” ani NDRRMC Executive Director, Usec. Ricardo Jalad.

Sa tala naman ng Department of Agriculture (DA), tinatayang nasa P29.4-M ang kabuuang pinsalang naidulot ng bagyo sa mga pananim pangunahin na ang mga mais.

Habang nasa higit 1,000 magsasaka at mangingisda naman ang nawalan ng kabuhayan

Samantala, nangako naman ang NDRRMC na tutulungan ng pamahalaan ang mga pamilyang lubos na naapektuhan ng bagyong Maring sa bansa.

“Patuloy ngayon ang rapid damage and needs assessment ng ating Local Government Units, sa tulong na rin ng iba’t ibang ahensya–ng national government agencies–na nakakarating sa kanila–again itong mga response units natin. Sa ating mga kababayan, kayo po ay hindi pinapabayaan dito sa nangyari sa atin na kalunos-lunos, yung epekto ng severe tropical storm Maring.” ani NDRRMC Executive Director, Usec. Ricardo Jalad.

(JP Nuñez | UNTV News)

Tags: ,

UNICEF, handang magbigay tulong sa bansa matapos manalasa ang Bagyong Maring

by Radyo La Verdad | October 13, 2021 (Wednesday) | 4865

METRO MANILA – Matapos ang pananalasang dulot ng bagyong Maring sa Pilipinas, ipinahayag ng United Nations Children’s Fund (UNICEF) na handa silang umalalay sa bansa partikular sa mga lugar na dinaanan ng bagyo.

“UNICEF is closely monitoring the situation in areas affected by Typhoon Maring. We’re ready to provide humanitarian assistance when called upon by the government,” sinabi ng UNICEF sa isang post sa twitter.

Samantala, nitong Martes (October 12) 11 indibidwal na ang naiulat na nasawi sa mga lugar ng Cagayan, Palawan at Benguet habang 3 naman ang sugatan at 7 ang pinaghahanap pa ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Sa ngayon ay tinatayang nasa 19,147 na indibidwal na ang apektado ng bagyo sa lugar ng Cagayan, Mimaropa, Caraga, at Cordillera Administrative Region, habang nasa 6,567 na ang nailikas dahil sa bagyo.

(Marc Aubrey | La Verdad Correspondent)

Tags: , ,

More News