Klase sa ilang lugar na posibleng maapektuhan ng transport strike, suspendido na

by Radyo La Verdad | September 25, 2017 (Monday) | 1400

Sinuspinde na ng ilang local government unit at mga school administration ang klase sa mga lugar na posibleng maapektuhan ng transport strike ngayong araw.

Walang pasok lahat ng levels sa mga paaralan sa Malabon City, gayundin sa Baliwag, Bocaue, San Jose Del Monte, Sta. Maria, Marilao at Malolos Bulacan.

Kanselado naman ang K to 12 classes sa University of the East Manila, ang Caloocan Campus at sa San Sebastian College.

 

Tags: , ,