Sa ikalawang araw ng isinasagawang pipeline re-alignment project ng Maynilad,nagdesisyon ang ilang eskwelahan at Unibersidad sa Maynila na suspendihin ang klase bunsod ng water interruption.
Kabilang sa mga Unibersidad na nagsuspinde ng pasok ngayong araw ang Mapua Institute of Technology, Lyceum University of the Philippines, Adamson Unibersity, Philippine Women University, Santa Isabel College at iba pang Unibersidad sa Maynila.
Habang ang Technological University ay wala pa ring pasok hanggang bukas August 12.
Samantala inanunsyo rin kanina ng lokal na pamahalaan ng Maynila na suspendido na ang klase bukas sa Raja Soliman Highschool,Torres High School, Lakandula High School, Manuel L.Quezon High School, Felipe Calderon High School, Manila Science High School, Araullo High School, Teodora Alonzo High School, Ellano High School, Justo Lukban Elementary School at E.Delo Santos Elementary School.
Ang mga nabanggit na eskwelahan ay muling mawawalan ng pasok sa August 17 hanggang 18, dahil sa pagpapatuloy ng water interruption.
Suspendido na rin ang klase bukas sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong eskwelahan sa Pasay City dahil pa rin sa kawalan ng tubig. ( Joan Nano / UNTV News)
Tags: Adamson Unibersity, Lyceum University of the Philippines, Philippine Women University, Santa Isabel College