Klase ng Grade 7 students, ililipat muna sa Iloilo City Central Elementary School dahil sa kakulangan ng classroom

by Radyo La Verdad | June 13, 2016 (Monday) | 3004

LALAINE_GRADE-7
Sa Iloilo City Central Elementary School muna pansamantalang magsasagawa ng klase ang mga estudyante ng Grade 7 ng Iloilo City National High School.

Ito ay dahil ongoing pa ang construction ng gagamitin nilang mga classroom na inaasahang matatapos sa susunod na taon.

Labinglimang section o katumbas ng halos isang libo at limang daang estudyante ng Iloilo City National High School ang hindi kayang i-accommodate ng paaralan dahil sa dami ng mga enrollee ngayong taon bukod pa sa senior high school students.

Ayon sa DEPED mas maiging manatili muna sa elementary school facilities ang mga bagong Grade 7 students sa halip na sa senior high school sila ipasok dahil mas sanay sila sa elementary school environment.

Samantala bukas pa pormal na sisimulan ang klase ng mga tutuntong sa Grade 7 at orientation pa lang ang isinagawa ngayong araw ukol sa school rules and regulations.

Samantala naiging maayos naman at mapayapa ang sitwasyon sa mga paaralan sa unang araw ng pasukan sa tulong na rin ng inilagay na assistance desk ng Philippine National Police na katuwang sa pagbabantay sa mga estudyanteng magka-cutting classes o lalabas ng school grounds kahit oras ng klase.

(Lalaine Moreno / UNTV Correspondent)

Tags: ,